Dalawang barko nagbangaan sa Cavite City

By Chona Yu April 08, 2021 - 10:36 AM

Nagsalpukan kagabi ang dalawang barko sa dagat na sakop ng Cavite City, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Cmdr. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, ang nagbanggaan ay ang MTr Rich Raibow at Bulk Carrier Ivy Alliance.

Nangyari ang aksidente may tatlong nautical miles mula sa Cavite City.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na nila ang pangyayari.

Bagamat aniya may butas ang dalawang sasakyang pandagat walang pang ulat ng oil spill.

Ligtas at maayos naman ang kondisyon ng mga tripulante ng dalawang sasakyang pandagat.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.