Paggamit ng oxygen ng walang reseta baka makasama pa – DOH
Nagbabala ang DOH sa maling paggamit ng oxygen sa bahay ng walang payo ng doctor.
Paliwanag ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ang paggamit ng oxygen ay depende sa kondisyon ng tao.
“For example, you are not sick and you don’t have any respiratory difficulties, difficulty in breathing and all, baka makasama pa ito sa inyo kesa makakabuti kasi too much oxygen that we take when we are at that normal or stable condition might also affect our breathing process and other activities,” babala ni Vergeire sa maaring side effects ng maling paggamit ng oxygen.
Bukod dito, maari din maapektuhan ang suplay ng oxygen tank sa mga ospital at pasilidad pangkalusugan dahil sa pagbili para sa bahay.
Kayat pakiusap niya sa mga supplier, maghinay-hinay sa pagbebenta o pagpapahiram ng oxygen tanks at aniya kailangan ng regulasyon para matiyak na prayoridad ang mga ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.