Higit 50,000 Filipino nabigyan na ng second dose ng COVID 19 vaccines
Ibinahagi ng National Task Force Against COVID 19 na higit 50,000 indibiduwal sa bansa ang naturukan na ng second dose ng bakuna laban sa 2019 coronavirus.
Ayon sa NTF sa kabuuan, 922,898 vaccine doses ang naiturok na hanggang noong nakaraang Martes simula noong Marso 1.
“With the country experiencing a surge in the number of cases, the government continues to secure and distribute more doses, expedite vaccination, and expand coverage to protect more Filipinos,” ayon sa pahayag na inilabas ng NTF.
Sa kabuuang bilang ng mga nabakunahan, 50,685 ang naiturok na bilang second dose, nangangahulugan ng katulad na bilang na itinuturing na ‘fully vaccinated.’
May 2,525,600 bakuna sa bansa at 77 porsiyento ang naipamahagi na sa mga ospital at lokal na pamahalaan sa 17 rehiyon sa bansa.
Kulang na kulang ang suplay ng bakuna sa bansa at ayon sa NTF ito ay dahil ginawang prayoridad ng vaccine-manufacturers na unahin ang populasyon ng kanilang bansa.
Sa ngayon, tanging Sinovac at AstraZeneca vaccines pa lang ang nakakarating sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.