Hepe ng Gen.Trias police, 2 tauhan sinibak sa pagkamatay ng curfew violator

By Jan Escosio April 07, 2021 - 05:38 PM
ADRIAN LUCENA FB POST

Sinipa sa puwesto ang hepe ng pulisya ng General Trias sa Cavite kaugnay sa pagkamatay ng isang curfew violator.

Inilipat ni Cavite police director, Col. Marlon Santos si Lt. Col. Marlo Solero sa Cavite Provincial Police Office matapos na personal na alamin ang katotohanan sa pagkamatay ng 28-anyos na si Darren Manaog.

Magugunita na inaresto si Manaog dahil lumabas ito ng bahay sa oras na umiiral ang curfew at ang katuwiran niya ay kukuha lang ito ng maiinom nilang tubig.

Pinarusahan ito ng 300 rounds ng pumping exercise at makalipas ang dalawang araw ay namatay ito dahil sa stroke.

Bukod kay Solero, inalis din sa puwesto ang dalawa sa kanyang mga tauhan.

Sinabi naman ni PNP spokesman, Brig. Gen. Idelbrandi Usana na hindi naman masama ang pag-exercise dahil nakakatulong ito sa kalusugan, ngunit ang makakasama naman ang labis-labis na ehersisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.