Siyam na personalidad, gagawaran ng National Artist Award

By Jay Dones April 12, 2016 - 04:39 AM

 

Mula sa Inquirer.net

Siyam na personalidad ang nakatakdang ideklara ni Pangulong Benigno Aquino III bilang mga National Artists sa isang seremonya sa Malacañang sa Huwebes.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga personalidad na mabibigyan ng Order of National Artists (ONA) award simula nang umpisahan ang proyekto noong 1972.

Kabilang sa gagawaran ng ONA award sina Cirilo Bautista para sa hanay ng literature, Alice G. Reyes sa hanay ng sayaw at Ramon Santos sa hanay ng musika, Jose Maria Zaragoza para sa arkitektura, Francisco Feliciano sa musika at  Francisco V. Coching para sa sektor ng visual arts na gagawaran ng posthumous award.

Kabilang naman sa 2009 batch sina Manuel Conde sa sektor ng cinema, Federico Aguilar Alcuaz para sa visual arts at Lazaro Franciso para sa literature.

Ang Cultural Center of the Philippines Board o CCP kasama ang National Commission on the Culture and the Arts ang tumutukoy si pinal na ONA nominees na ipoproklama ng Pangulo.

Ang mga buhay pa na national artist ay binibigyan ng buwanang pensyon, medical at hospitalization benefits.

Samantala, bibigyan naman ng posthumous award at insurance awards ang mga awardees na pumanaw na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.