Bilang ng mga nagkakasakit na bantay ni Pangulong Duterte dumadami

By Chona Yu April 07, 2021 - 05:15 PM

Ibinahagi ni Senator Christopher Go ang dahilan ng pagkansela ng lingguhang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Go ang pagtitiyak sa kaligtasan ni Pangulong Duterte ang dahilan kayat walang magaganap na ‘Talk to the People’ na ginagawa tuwing gabi ng Lunes.

Dagdag ng senador marami na sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang tinatamaan ng COVID 19 kayat kailangan na pag-ingatan na hindi mahawa ang Punong Ehekutibo.

Ngunit nilinaw ni Go na walang naging ‘exposure’ sa positibong tauhan ng PSG si Pangulong Duterte kayat walang dapat ipag-alala ang publiko.

Nanatili lang din ito sa Malakanyang at hindi umuwi ng Davao City.

Ang pagkansela ng ‘Talk to the People’ ay inanunsiyo ni Presidential spokesman Harry Roque ngunit hindi ito nakapagbigay ng dahilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.