Enhanced community quarantine nagpapababa ng COVID 19 cases

By Erwin Aguilon April 07, 2021 - 05:03 PM

Epektibo sa Lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan ang pagpapairal ng enhanced community quarantine para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes bumaba ang naitatalang kaso sa kanila ng COVID-19 kada araw dahil sa umiiral na ECQ.

Noon aniyang  hindi pa ipinapatupad ang ECQ ay pumalo sila sa pinakamataas na 103 isang araw pero ngayon bumaba na ito sa 30 kaso na lamang.

Sabi pa nito karamihan sa mga naitatalang kaso sa kanilang lungsod ay nakuha ang sakit sa Metro Manila kung saan nagta-trabaho ang kanyang mga kababayan, bagay na kanilang naobserbahan nang magpatupad sa lungsod ng total lockdown.

Hanggang ngayong araw ay mayrooong 3,061 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Bukod anya sa curfew na ipinapatupad ng IATF ay umiiral din ang liquor ban sa San Jose del Monte.

Samantala, patuloy ang panawagan ng alkalde sa kanyang mga kababayan na kabilang sa prayoridad na sector na magpabakuna na upang maproteksyunan sa COVID-19.

Nagsimula na naman ngayong araw ang pamimigay ng cash aid ng pamahalaang-lungsod at ang pondo ay mula sa pambansang gobyerno.

Ang benepisyaro ay tatanggap ng tig-P1,000, hanggang apat na miyembro sa isang pamilya o kabuuang P4,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.