3 krimen, naitala noong Pacquiao-Bradley fight

By Kathleen Betina Aenlle, Ruel Perez April 12, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer.net/AP

Tatlong insidente ng krimen ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa kasagsagan ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao noong Linggo.

Batay sa monitoring ng PNP, dead on arrival sa ospital ang isang barangay secretary na biktima ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Brgy. Cabaloangan Sur, Rosales, Pangasinan.

Sa Region 1 naman naitala ang ikalawang insidente na isang kaso ng pananaksak sa isang mangingisda sa  Bacnotan, La Union.

Nagkaroon din ng stabbing incident sa Metro Manila, kung saan napatay ang biktimang si  Ricardo Cabagat  matapos itong saksakin sa Camada Compound, Bgy. 12, Caloocan City.

Noon ding nakalipas na laban ni Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 2015, apat na insidente naman ng krimen ang naitala ng PNP.

Kadalasan kasing tuwing laban ni Pacquiao, nababawasan ang mga insidente ng krimen maging ang mga sasakyang bumi-biyahe sa kalsada para sumubaybay sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.