Mga lokal na opisyal, iginiit na dapat mapasama sa top priority list sa bakunahan kontra Covid-19
Suportado si Tarlac Rep. Noel Villanueva ang panawagan ng League of Provinces of the Philippines na mabakunahan na rin kontra Covid-19 maging ang mga alkalde at gobernador sa low-risk areas.
Katuwiran ni Villanueva, chairman ng House Committee on Local Government, frontline workers ang lahat nang lokal na opisyal.
Nararapat lang anya na mapabilang sa listahan ng mga prayoridad sa pagbabakuna ang mga opisyal mula sa barangay level, munisipalidad at lungsod hanggang lalawigan.
Sabi pa ng kongresista, kahit ang mga barangay tanod ay dapat isama sa vaccination priorities dahil sa nature ng kanilang trabaho na palaging exposed sa mga tao.
Kasabay nito’y nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na bilisan sana ang pagbabakuna para agad maabot ang herd immunity dahil ramdam na ramdam na ang paghihirap ng mamamayan maging sa mga kanayunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.