Mga kapwa kongresista pinayuhan ni Rep. Garbin na maging responsable sa mga pahayag
Nakiusap si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr sa mga kasamahang kongresista na maging responsable sa mga pahayag sa publiko.
Kasunod ito ng lantarang pageendorso ng ilang mambabatas sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Apela ni Garbin, sa mga kongresista, sa gobyerno at sa mga katulad niyang abogado, na maging responsable sa bawat salitang bibitawan dahil nakikinig ang taumbayan sa mga sinasabi nila.
Paalala ni Garbin sa mga kapwa lawmakers na iwasan ang pagbibigay sa mga Pilipino ng “false hope” o maling pag-asa, kalituhan at kawalan ng tiwala sa pamahalaan.
“I appeal to my colleagues in the house of representatives, in the government and in the profession of law, each time we talk people listen. We have to be responsible with what we say in public, we have to avoid causing false hopes, confusion, distrust to the government and disorientation,” saad ni Garbin.
Batid naman nito na maganda ang hangarin ng mga nagsusulong ng Ivermectin ngunit mahalagang sumailalim muna ito sa tamang paraan ng pagsusuri upang matiyak na ito ay magiging solusyon at hindi mauuwi sa panibagong problema.
“Alam ko na maganda ang hangarin ng mga proponent ng ivermectin pero kailangan parin ito idaan sa tamang paraan upang siguraduhing ito nga ay solusyon at hindi panibagong problema,” pahayag pa ni Garbin.
Dagdag pa ng kongresista, pawang mga conspiracies, speculations at opinyon pa lamang ang nakapaloob sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19 kaya hayaan na muna ang mga eksperto na sumuri sa pagiging epektibo ng nasabing gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.