Isyu ng kalusugan dahilan ng pagtungo sa Singapore ni Mayor Inday Sara Duterte

By Erwin Aguilon April 07, 2021 - 12:40 PM
FILE PHOTO

Kinumpirma ni Davao City Mayor at presidential daughter Inday Sara Duterte-Carpio ang balitang nagtungo siya sa Singapore.

Sa inilabas na statement ng kampo ng alkalde sinabi nito na naka leave siya mula April 6 hanggang 10, 2021 at mayroong travel authority mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“I am on leave from April 6-10, 2021. I have a travel authority to Singapore from the DILG,” pahayag ni Mayor Inday Sara Duterte.

May kaugnay sa kalusugan ang sinabing dahilan ng pag-alis nito ng bansa.

Dumaan din anya siya sa lahat ng protocols sa Davao City kabilang ang RT-PCR test.

Pre-arranged din anya ang 14-quarantine dito.

“The reason is personal health management. All protocols for return to Davao City including RT-PCR testing and 14-day quarantine have all been pre-arranged,” saad ng alkalde.

 

TAGS: Davao City Mayor Inday Sara Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.