Hotels na naging quarantine facilities kinilala ng DOT
Pinapurihan ng Department of Tourism ang 24 hotels na ipinagamit ang kanilang establismento bilang quarantine facilities bilang ambag sa pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.
Ang 24 hotels ay sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Calabarzon at Davao Region.
“The DOT is grateful for the hotel industry’s continued support in repurposing their accommodations into quarantine facilities for local residents undergoing mandatory quarantine, returning overseas Filipino workers (OFWs), and overseas Filipinos,” pahayag ng DOT.
Bahagi ng ‘Oplan Kalinga’ programa ang 24 hotels at ito ay inisyatibo ng gobyerno para magkaroon ng matutuluyan ang COVID 19 patients.
Nabatid na may mga hotel din na nagsisilbing pansamantalang tuluyan ng medical frontliners at call center employees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.