Lalake patay matapos ‘mag-selfie’ sa Subic waterfalls

By Jay Dones April 12, 2016 - 04:29 AM

 

Mula sa Google Maps

Patay ang isang 24-anyos na electrician matapos mahulog habang ‘nagsi-selfie’ sa tuktok  ng isa ‘talon’ o ‘waterfalls’ sa Subic Bay Freeport.

Wala nang buhay nang marekober sa tubig ang biktimang nakilalang si Jaycel Napay, empleyado ng Asahi Group Trading na noo’y nag-company outing sa El Kabayo Falls sa Binictican Subic, Zambales.

Ayon sa imbestigasyon, kabilang ang biktima sa 20 empleyado ng kumpanya na nag-outing at picinic sa lugar.

Sa kasagsagan ng kasiyahan nagpasya ang biktima at kanyang kapatid na ‘mag-selfie’ sa tuktok ng El Kabayo Falls nang madulas ito at mahulog sa may 15 talampakang taas ng talon.

Tinangka pang iligtas ng kanyang mga kasamahan ang biktima ngunit nabigo ang mga ito dahil sa lalim at malakas na agos ng tubig.

Tumagal pa ng mahigit isang oras bago narekober ang katawan ng biktima na wala nang buhay nang matagpuan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.