“Smuggling” ng mga tao patungo sa NCR plus ipinahihinto ni Transport Sec. Tugade

By Erwin Aguilon April 07, 2021 - 08:41 AM

 

Pinaaksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur  Tugade ang lahat ng mga konsernadong transport agencies, law enforcement agencies at local governments laban sa tinawag nitong “COVID-19 smuggling” na kinasasangkutan ng ilang mga trucking companies at colorum na mga sasakyan upang magdala ng mga tao sa loob ng tinaguriang NCR plus na hindi man lamang nasuri sa COVID-19.

Ito ay kaugnay sa video na kumakalat ngayon sa social media na kuha sa Southern Luzon kung saan makikita na matapos buksan ang isang truck ay isa-isang bumaba ang mga tao sa loob nito  na ang iba pa ay walang suot na facemask at face shields.

Ang may kumukuha naman ng cellphone video ay nagpasalamat sa driver ng truck sa pagbyahe ng mga tao.

Matapos makababa sa truck ay sinabihan ang mga ito na sumakay sa mga nakaparadang commuter van na magdadala sa kanilang destinasyon sa Metro Manila.

Sabi ni Tugade, nabatid niya na nag-smuggle ng mga tao ang mga trucks at van kapalit ng pera na ibinabayad sa mga ito.

“Nakita ko ang video na ‘yun. Bakit nila gagawin ‘yan? Hindi nila alam na kinukomprumiso at nilalagay nila sa alanganin ang kalusugan at kabuhayan ng mga tao sa kapaligiran at sambayanan?,” saad ni Tugade.

Malinaw ayon sa kalihim na paglabag sa health protocols ang ginagawa ng mga ito kaya marapat lamang na mahinto kaagad.

Dagdag nito, “These things must not be tolerated. Let’s move strong on this! Kapag huhulihin natin ‘yang mga ‘yan, tawagin natin yung LTO and LTFRB, ‘yung I-ACT, ‘yung Highway Patrol, ‘yung LGU, ‘yung ka-pulisan. Dapat itigil ito. Kinukomprumiso nila ang buong sambayanan. Lahat ng paghihirap natin sa testing, isolation at treatment mawawala dahil dito.”

Ang iligal anyang operasyon ng mga ito ay maaring maging dahilan ng pagdadala pa ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Naglabas na naman ng show cause order ang LTO laban sa driver at may-ari ng truck sa video.

 

TAGS: Bicol, COVID-19, dotr, NCR plus, Sec. Arthur Tugade, southern luzon, Bicol, COVID-19, dotr, NCR plus, Sec. Arthur Tugade, southern luzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.