Tuloy pa rin ang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) upang linisin ang langis na kumalat sa dagat na sakop ng Jasaan, Misamis Oriental.
Ito ay matapos lumubog ang MV Tower One, isang abandonadong barko ng Racal Shipping Corporation noong Sabado, April 4, 2021.
Nakaangkla ang 37 taong gulang na barko 200 metro mula sa baybayin ng Barangay Luz Banzon nang biglang tumagilid at tuluyang lumubog sa tubig.
Sa update ng Coast Guard District Northern Mindanao, nasa 21 drum ng ‘oily water mixture’ at 30 sako ng ‘oily debris’ ang nakuha sa katubigan ng Barangay Luz Banzon.
Nangako ang Racal Shipping Corporation na sasagutin ang pinsalang dulot ng oil spill sa lokal na pamahalaan.
READ NEXT
Mga bus na bumibiyahe sa EDSA busway sa ilalim ng service contracting program, may libreng sakay na simula sa April 7
MOST READ
LATEST STORIES