Ekonomiya ng Asya, posibleng makaladkad ng China

By Kathleen Betina Aenlle April 12, 2016 - 04:23 AM

 

china economyPosibleng kaladkarin pababa ng mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng China ang pag-unlad ng East Asia and the Pacific mula ngayong taon hanggang 2018.

Ito ang naging babala ng World Bank kaugnay sa pabago-bagong lagay ng pandaigdigang merkado.

Ayon kasi sa World Bank, inaasahang babagal ng hanggang 6.3 percent ngayong taon ang regional growth mula sa 6.5 percent noong nakaraang taon, at patuloy na bababa hanggang 6.2 percent sa 2017 at 2018.

Sa kabila nito, nakikitaan naman ang mga Southeast Asian economies na pinangungunahan ng Vietnam at Pilipinas ng pagkakaroon ng magandang pag-unlad, dahil pareho itong nakikitaan ng pag-usbong ng hanggang 6.0 percent.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.