BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 382 COVID-19 deaths; Aktibong kaso, higit 152,000
Higit 9,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (April 6), pumalo na sa 812,760 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 152,562 o 18.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 9,373 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
97.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 382 naman ang napaulat na nasawi.
Ito ang pinakamataas na naitalang bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19 sa Pilipinas sa loob ng isang araw.
Ayon sa DOH, nagkaroon ng technical issue sa case collection systems kung kayat mababa ang napapaulat na COVID-19 death counts noong nakalipas na linggo.
Nakaranas anila ng technical failure ang isa sa mga information system na nagkokolekta ng hospital data.
Bunsod nito, hindi kumpleto ang nae-encode na fatality numbers at data.
“As a result of this error, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported. The number of deaths reported today (382) already includes the said deaths not reported in previous counts,” paliwanag pa ng kagawaran.
Dahil dito, umakyat na sa 13,817 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 313 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 646,381 o 79.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.