Al-Rai sa Syria, nakubkob muli ng ISIS

By Kathleen Betina Aenlle April 12, 2016 - 04:19 AM

 

isisMatapos makipagbakbakan, muling nakubkob ng Islamic State group ang bayan ng al-Rai sa Syria na nasa border ng Turkey.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights na naka-base sa Britain at sa Aleppo Today TV station, naganap ang pakikipagbakbakan ng IS, araw ng Lunes, para muli nilang makuha ang lugar na ginagawa nilang access point ng kanilang mga supplies, na malapit rin sa kanilang kuta sa Aleppo.

Sinabi naman ni Observatory chief Rami Abdurrahman na nasakop rin ng IS ang anim na villages malapit sa al-Rai sa loob din ng parehong araw.

Nawala sa kamay ng IS ang nasabing bayan noong Huwebes nang magsagawa ng opensiba ang mga kaalyado nilang militanteng grupo tulad ng sangay ng al-Qaida sa Syria na Nusra Front.

Marami-rami na rin ang mga teritoryo sa Iraq at Syria ang nawala sa kamay ng IS, tulad na lamang ng makasaysayang lugar ng Palmyra na kamakailan lang ay nabawi ng pwersa ng pamahalaan ng Syria.

Napilayan rin ang hanay ng mga matataas na opisyal ng IS dahil sa ilang drone strikes ng US sa Syria, kung saan ilan sa mga pinuno ng IS at Nufra Front ay nasawi.

Ngunit dahil sa nagawang muling pagbawi ng IS sa al-Rai, pinangangambahang malaki pa rin ang kakayahan ng grupo na maglunsad ng mga counterattacks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.