Sunog, sumiklab sa isang gusali sa Makati

Sumiklab ang sunog sa isang high-rise building sa Makati City, Martes ng hapon (April 6).

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), apektado ng sunog ang rooftop ng LPA Building sa bahagi ng Salcedo Village.

Nagsimula ang sunog bandang 2:52 ng hapon.

Umabot pa ang sunog sa ikalawang alarma bandang 3:00 ng hapon at idineklarang fire under control dakong 3:30 ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...