Tuluy-tuloy ang mass testing sa lahat ng railway personnel kasunod ng direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Base sa datos hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 5), sa 1,185 tauhan ng LRT-1, 281 napasuri kung saan 94 ang nagpositibo.
Sa 1,696 LRT-2 personnel, 592 ang sumailalim na sa swab test at 143 ang lumabas na COVID-19 positive.
Sa hanay naman ng MRT-3, 709 tauhan ang sumailalim na sa pagsusuri kung saan 120 ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Sa 1,420 tauhan naman ng PNR, 586 ang nasuri na at 121 ang lumabas na positibo sa COVID-19.
Sa pagbabalik ng operasyon ng mga tren, nasa 10 hanggang 12 tren lamang ang pinapatakbo sa MRT-3, lima sa LRT-2, habang 17 naman sa LRT-1.
Samantala, magbabalik sa normal ang operasyon ng PNR sa Biyernes, April 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.