Pagpapalawig ng price ceiling sa karneng baboy at manok sa NCR, pinag-aaralan na

By Chona Yu April 06, 2021 - 02:44 PM

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin o hindi ang price ceiling sa karneng baboy at manok sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binubusisi pa ng Punong Ehekutibo ang naturang usapin.

Sa ngayon aniya, ang nakikitang solusyon ng pamahalaan sa kakapusan ng suplay ng baboy at sa pamamagitan ng pag-aangkat.

Kailangan din aniya ang repopulation para mapunan ang nawalang suplay dahil sa pagdapo ng African Swine Fever sa mga baboy.

“Pinag-aaralan pa po iyan. Bagama’t talagang ang solusyon po sa kakulangan ng baboy ay iyong pag-angkat at saka iyong repopulation natin ng mga nasalantang populasyon ng baboy dahil nga po sa ASF,” pahayag ni Roque.

Matatandaang pumalo sa mahigit P400 ang kada kilo ng baboy.

Dahil dito, nagpalabas ng executive order si Pangulong Duterte na nagtatakda ng presyo ng karneng baboy at manok sa NCR sa loob ng dalawang buwan.

Itinakda sa P300 ang presyo ng kada kilo ng baboy habang P160 naman ang kada kilo ng manok.

TAGS: African Swine Feber, ASF, Inquirer News, price ceiling chicken, price ceiling pork, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, African Swine Feber, ASF, Inquirer News, price ceiling chicken, price ceiling pork, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.