Walang sapat na data ang Food and Drug Administration para patunayan na nakagagamot sa COVID-19 ang Ivermectin.
Ang Ivermectin ay ginagamit bilang anti-parasitic drug.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, walang conclusive data na hawak ang kanilang tanggapan para sabihing epektibo ang Ivermectin kontra COVID-19.
Ginawa ni Domingo ang pahayag matapos ianunsyo ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamahagi siya ng Ivermectin sa mga residente sa Quezon City.
Ayon pa kay Domingo, walang nakarehistro na Ivermectin drugs para sa human consumption sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES