(DPWH photo)
Binuksan na ngayong araw ang bagong modular hospital na itinayo ng Department of Public Works and Highways sa Quezon Institute sa Quezon City.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DPWH Secretary at isolation czar Mark Villar na 110 ang bed capacity ng modular hospital.
Kaya ng modular hospital na mag-accommodate ng severe at critical cases ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Villar, upgraded version ng quarantine facility ang modular hospital.
May sariling oxygen supply ang bawat bedroom units at fully functional.
Mayroon din aniyang living quarters ang modular hospital para sa mga medical frontliners.
Target aniya ng DPWH na dagdagan pa ng 88 beds ang modular hospital sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.