DSWD, hinimok na gawin nang buwanan ang pagbibigay ng pensyon sa mga senior citizen

By Erwin Aguilon April 06, 2021 - 11:19 AM

Hiniling ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Department of Social Welfare and Development na tratuhin nang parang payroll ang pagbibigay ng pensyon sa mahihirap na lolo’t lola.

Apela ito ni Vargas, chairman ng House Committee on Social Services kasunod ng transition ng DSWD sa cash cards katuwang ang Landbank.

Sabi ng kongresista, tutal naman ay online na ang distribusyon ng benepisyo, mainam na gawin itong buwanan lalo na ngayong may pandemya at kailangan ng mga senior citizen ang lahat nang tulong.

Sa kasalukuyan ay tumatanggap ng P500 buwanang pensyon ang mga kwalipikadong indigent senior citizens na nakukuha nila kada anim na buwan sa halagang P3000.

Kasabay nito’y umaasa ang mambabatas na mapagtitibay sa lalong madaling panahon ang kanyang panukala na doblehin o gawing P1000 ang social pension para sa mga nakatatanda.

 

TAGS: alfred vargas, buwanang pensyon, dswd, senior citizen, alfred vargas, buwanang pensyon, dswd, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.