P1.523 bilyong ayuda mula sa national government, natanggap na ng Maynila
(Manila PIO)
Natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinansyal na ayuda mula sa national government para sa mga pamilyang naapektuhan ng ehanced community quarantine dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kagabi lamang, Abril 5, ibinigay ng Department of Budget and Management ang naturang pondo.
Nagkakahalaga aniya ito ng P1.523 bilyon ang pondo.
Ayon kay Mayor Isko, agad na nagpulong ang city council para mabilis na maibigay ang ayuda.
Una nang sinabi ng DBM na makatatanggap ng tig P1,000 ang bawat pamilya.
Bahala na ang lokal na pamahalaan na magpasya kung cash o in-kind ang pamamahagi ng ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.