Roxas bibitiwan na ni PNoy ayon sa isang dating Senador

roxas-poe
Inquirer file photo

Namumuro nang ilipat ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng suporta kay presidential aspirant Sen. Grace Poe.

Ayon kay dating Senador Kit Tatad, base sa nakalap niyang impormasyon sa kanyang mga sources ay nagpulong na umano sina Aquino at Poe sa Bahay Pangarap na siyang opisyal na tirahan ng Pangulo noong nakaraang Linggo.

Kasama umano sa pagpupulong sina Executie Secretary Paquito Ochoa at ang Chief of Staff ni Poe na si Atty. Nelson Victoriano.

Sinabi pa ni Tatad na binigyan na umano ng ultimatum ng Pangulo si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na paangatin ang ratings nito ng hanggang April 25 dahil kung hindi ay si Poe na ang kanyang susuportahan.

maihahalintad aniya ito sa “Villaroyo” nang suportahan noon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si presidential aspirant Manny Villar at ilalag ang pambato ng administrasyon na si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.

Read more...