Camarines Norte, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Camarines Norte.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang pagyanig sa layong 107 kilometers Northeast ng Tinaga Island (Vinzons).

Naramdaman ang pagyanig bandang 4:36 ng hapon.

May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...