17 pang overseas Filipinos, nagpositibo sa COVID-19

May 17 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 5, nasa 16,423 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 90 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,314 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang bagong gumaling kung kaya 10,060 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala ring bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,049 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 9,078 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,278 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 906 naman ang kaso sa Americas at 3,161 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...