Pasok sa UST, sinuspinde hanggang April 11

By Angellic Jordan April 05, 2021 - 04:23 PM

Pinalawig ang suspensyon ng klase at pasok sa trabaho sa University of Santo Tomas (UST) hanggang sa April 11, 2021.

Sa abiso ng unibersidad, bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga lalawigan na kabilang sa NCR plus bubble.

Paliwanag pa ng UST, layon nitong matutukan ng stakeholders ang kanilang kalusugan at pamilya.

Umapela naman ang UST Faculty Union na magdeklara ng “academic freeze” hanggang April 11.

Saad nito, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang faculty at mga estudyante na makapag-asikaso sa pamilya habang nag-aadjust sa extended ECQ.

Maliban dito, makakapagbigay din anila ito ng mental at emotional relief mula sa stress at anxiety na nararanasan sa gitna ng pandemya.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, UST academic freeze, UST class suspension, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, UST academic freeze, UST class suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.