Panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas (April 6)

By Angellic Jordan April 05, 2021 - 02:37 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng pagtaas sa presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, Shell at Total, may taas na P0.65 sa kada litro ng gasolina habang P0.05 naman ang dagdag sa presyo ng diesel.

Sa Cleanfuel, P0.65 rin ang dagdag-presyo sa kanilang gasolina ngunit walang pagbabago sa presyo ng diesel.

Sa kerosene, P0.05 naman ang idadagdag sa bawat litro ng Caltex, Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil at Total bandang 6:00, Martes ng umaga (April 6).

Dakong 4:01, Martes ng hapon naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Mauuna namang ipatupad ang oil price rollback sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, oil price, oil price hike, oil price increase, price watch, Radyo Inquirer news, BUsiness, Inquirer News, oil price, oil price hike, oil price increase, price watch, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.