Outbound passengers sa mga pantalan, halos 3,000
Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2021.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 2,920 na outbound passengers sa mga pantalan habang 1,861 inbound passengers.
Ito ay mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Lunes (April 5).
Nasa 2,015 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 81 ang inspected vessels at 16 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.