Utos ni PNoy sa AFP: “Durugin ang Abu Sayyaf”

By Den Macaranas April 11, 2016 - 04:44 PM

abu-sayyaf
Inquirer file photo

Inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin ang operasyon at durugin ang teroristang Abu Sayyaf na responsable sa pagkamatay ng 18 sundalo sa Basilan.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy na nakakatanggap ng update ang Pangulo mula kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri patungkol sa nagpapatuloy na pagtugis sa teroristang grupo.

Ayon kay Coloma, ang direktiba ni Pangulong Aquino, huwag tigilan ng government forces ang operasyon laban sa mga terorista.

Base sa report na natanggap ng Malacañang, bunsod ng pinaigting na operasyon, na-neutralize na ang ilang high-value targets gaya nina Malaysian Mohd Najib Hussein (a.k.a. Abu Anas), Moroccan Mohammad Khattab at Ubaida Hapilon, anak ni senior ASG leader Isnilon Hapilon.

Sinabi nanam ng isang Malacañang insiders na inabot ng gabi ang meeting kahapon nina Pangulong Aquino kasama ang mag matataas na opisyal ng AFP at Defense Department.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Basilan, PNoy, Tipo-Tipo, Abu Sayyaf, AFP, Basilan, PNoy, Tipo-Tipo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.