Inanunsyo ni Caloocan City Rep. Egay Erice na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa kanyang facebook post, sinabi ni Erice na matapos ang walong araw na quarantine lumabas na positibo siya sa nakamamatay na sakit.
Sabi ni Erice, “After eight days in quarantine, I have tested positive for COVID.”
Mayroon anya itong mild symptoms pero hindi naman dapat maging dahilan ng pagka-alarma.
Sinabi rin nito na sarado muna ang kanyang tanggapan dahil sa mga staff na tinamaan din ng sakit.
Dagdag nito, “You can still message me though if you think I can do something for you my beloved constituents.”
MOST READ
LATEST STORIES