Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, epektibo muli ang ECQ sa mga nasabing lugar sa susunod na isang linggo mula April 5 hanggang 11, 2021.
Base ito sa naging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at OCTA Research Group dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nauna nang ipinatupad ang ECQ sa mga nabanggit na lugar noong March 29 hanggang April 4, 2021.
Batay sa huling datos ng DOH hanggang April 3, sumampa na sa 784,043 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 165,715 ang aktibong kaso.
MOST READ
LATEST STORIES