Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (April 3), pumalo na sa 784,043 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 165,715 o 21.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 12,576 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 103 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,423 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 599 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 604,905 o 77.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.