51 patay sa ‘worst train tragedy’ sa Taiwan; MECO inaalam na kung may nadamay na Filipino

By Jan Escosio April 02, 2021 - 07:29 PM

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa awtoridad sa Taiwan para malaman kung may Filipino na nadamay  sa train accident sa Hualien, Taiwan kaninang umaga.

Ang Department of Foreign Affairs ay walang inilalabas na opisyal na pahayag kaugnay sa sinasabing ‘worst train accident’ sa Taiwan sa nakalipas na mga taon.

Base sa mga pinakahuling ulat, nasa 51 na ang naitatalang namatay sa trahedya at karamihan sa kanila ay itinuring na ‘dead on the spot,’ at may 156 pa ang nasugatan sa kabuuang 490 pasahero sa walong bagon.

Palabas ang tren, na patungo sa Taitung, sa isang tunnel sa Toroko Gorge nang sumalpok ito sa isang truck, na nahulog naman mula sa itaas na kalsada.

Sinasabi na kabilang sa agad na nasawi ay ang train engineer.

Sa pahayag ni Taiwan President Tsai Ing-Wen sinabi nito na ginagawa nila ang lahat para tiyakin na nailigtas na ang lahat ng sakay ng tren.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.