BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng higit 15,000 bagong kaso ng COVID-19; Aktibong kaso, higit 153,000

Pumalo sa 15,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (April 2), pumalo na sa 771,497 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 153,809o 19.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 15,310 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw.

Ayon sa DOH, kabilang sa nasa bilang ang 3,709 case backlogs dahil sa COVIDKaya technical issues.

96.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 0.32 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 17 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 13,320 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 434 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 604,368 o 78.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...