Nakapagtala ang DOH ng karagdagang 8,920 bagong COVID 19 cases sa bansa.
Bunga nito, umakyat na sa 756,199 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakamatay na sakit sa bansa.
May 205 naman na nadagdag sa bilang ng mga gumaling, na ngayon ay 503,948, samantalang may anim na napabilang sa mga namatay.
Sa ngayon, ang aktibong kaso sa bansa ay 138,948 o 18.4 porsiyento ng kabuuang naitalang bilang.
Samantala, sa 34,270 na sumailalim sa test kahapon, 21.1 porsiyento ang nagpositibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.