Sen. de Lima: Video ni convicted murderer Herbert Colangco, mensahe para kay Pangulong Duterte
Sinabi ni Senator Leila de Lima na ang tunay na mensahe ni convicted murderer Herbert Colangco sa kanyang viral video ay para kay Pangulong Duterte.
Ayon kay de Lima nais ni Colangco na hindi muna siya ipapatay dahil may silbi pa siya.
Ibinahagi nito na sa loob ng National Bilibid Prison ay kalat na kalat na ang ‘nacovid-covid,’ ang paraan na pagpatay sa ilang preso at palalabasin na tinamaan ang mga ito ng 2019 coronavirus.
“It is not surprising that Colangco made the video rant right after the death of convicted Calauan Mayor Sanchez (and earlier, Raymond Dominguez and an aide of Jaybee Sebastian) inside Bilibid, again under mysterious circumstances just like Sebastian and a dozen other high-profile Bilibid convicts,” sabi ni de Lima.
Pinuna din ng senadora ang buhay-VIP ni Colangco sa kanyang kulungan sa Camp Aguinaldo dahil aniya may cellphone ito at may internet pa.
Sa video ni Colangco, sinabi nito na pinagdududahan niya ang pagpipilit ng Bureau of Jail Management and Penology na bantayan siya, kapalit ng mga tauhan ng Bureau of Corrections.
Ayon pa kay de Lima, ang video ni Colangco ay ipinapakalat ng DDS o Duterte Diehard Supporters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.