ECQ extension sa NCR Plus bubble? Pag-uusapan sa Sabado – Sen. Bong Go

By Jan Escosio April 01, 2021 - 04:08 PM

Ibinahagi ni Senator Christopher Go na sa darating na Sabado (April 3) ay pag-uusapan ng Inter Agency Task Force ang mga rekomendasyon na palawigin pa ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble.

Kasunod nito, ayon sa senador, ay magbibigay naman ang task force ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

”Sikapin nating hindi na sana habaan pa ang ECQ dahil malaking dagok ito sa kabuhayan ng mga Pilipino. Pero kung patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, wala tayong choice kundi maghigpit pa rin dahil babagsak naman ang ating health system kapag mapuno pa lalo ang mga ospital at isolation facilities,” apila ni Go.

Sinabi pa ni Go napakahalaga ang pagkakaroon ng disiplina, pag-iingat at kooperasyon ng lahat, lalo na sa pagsunod sa mga itinakdang protocols.

“Ang prayoridad natin ngayon ay makapagligtas ng buhay ng mga Pilipino. Kaakibat dyan ang pagsiguradong maiiwasan hindi lang ang sakit, kundi pati rin ang gutom,” sabi pa ng namumuno sa Senate Health Committee.

Diin niya sa pagbalanse sa kalusugan at ekonomiya, napakahalaga ang pagsalba sa buhay ng tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.