Dasal para sa mga COVID 19 patients hiningi ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio April 01, 2021 - 01:41 PM

Ngayon Semana Santa, hiniling ni Senator Leila de Lima na ipagdasal ang mga nakikipaglaban sa COVID 19, gayundin ang mga nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa sakit.

Sinabi pa ni de Lima na ngayon ay panahon ng pagpapa-alala sa mga Katoliko na hindi dapat mawala ang kanilang pananalig sa Panginoong Diyos.

“Isa na naman po itong taon ng paggunita ng Semana Santa na humaharap pa rin ang mundo sa matinding krisis. Pagsubok ito na nagdala ng mas matinding hirap, takot, pag-aalinlangan at pangungulila sa marami nating kababayan, lalo na’t sa halip na matugunan ay lalo pang lumulubha ang problema,” sabi nito.

Hinihikayat niya ang lahat na magnilay at ipagdasal ang kaligtasan at paggaling ng maysakit, gayundin ang katatagan ng loob ng mga naulila hindi lang dahil sa pandemya kundi maging sa mga karahasan.

At ang kanyang dasal; “Dalangin natin na sana, gaya sa ibang mga bansa, hindi na tayo mauwi lang sa paulit-ulit na lockdown, kundi mapagkalooban na ng mabisang bakuna at sapat na ayuda.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.