Nambugbog sa 65-anyos na Filipina-American sa New York City, nahuli
Nahuli na at agad kinasuhan ang lalaki na nanakit ng isang 65-anyos na Filipina-American sa New York City.
Sa inilabas na pahayag ng New York Police Department, isinalarawan ang 38-anyos na si Brandon Elliot na ‘homeless’ at ito ay 17 taon nakulong dahil sa pagpatay sa kanyang ina.
Nahaharap sa two counts of second-degree assault si Elliot at one count of attempted first-degree assault at maari siyang makulong ng hanggang 25 taon.
Sa inilabas na security camera footages, napanood ang ilang beses na pagsipa ng Black American kahit nakahandusay na ang biktima.
Nakita rin sa video na marami ang nakasaksi sa pananakit ngunit walang tumulong at may isa pang hotel worker na isinara ang pinto ng establismento.
Matapos magamot sa ospital naka-uwi na rin ang biktima.
Natunton naman si Elliot sa isang hotel na nagsisilbing ‘homeless shelter.’
Umani naman ng pagkondena sa netizens ang panibagong ‘hate crime’ sa mga Asian immigrants sa US.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.