Delivery ng lugaw, exempted sa curfew

By Erwin Aguilon March 31, 2021 - 08:34 PM

Iginiit ni San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes na hindi dapat hinaharang ang mga food delivery.

Ayon kay Robes, ang lugaw ay pagkain na bahagi sa exemption na mai-deliver sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force kahit na umiiral ang curfew.

Kasunod ito ng viral video na hinarang sa checkpoint sa Barangay Muzon, San Jose del City Monte ang food delivery ng lugaw kung saan iginigiit ng tauhan ng barangay sa hindi essential ang lugaw at mabubuhay ang tao ng walang lugaw.

Maari pa nga, ayon kay Robes, na maysakit ang um-order nito.

“We strictly follow the IATF.All food are essential. For all you know yung nag order ay may sakit pa na pinagdamot ng nagmamando sa checkpoint,” saad ni Robes.

Nilinaw din ng lady solon na walang anumang kautusan ang San Jose del Monte City government sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes na harangin ang food delivery.

Nanawagan naman ito sa mga barangay official at pulis na nagmamando sa checkpoint na basahin at intindihing mabuti ang nilalaman ng IAFT guidelines.

Gayuman, sabi ni Robes, maari namang tingnan kung pagkain nga ang dala ng isang nagde-deliver ng pagkain pero kapag natiyak na totoo ang sinasabi ng rider dapat itong palagpasin para madala sa nag-order.

TAGS: 18th congress, delivery during pandemic, food delivery, Inquirer News, lugaw, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, 18th congress, delivery during pandemic, food delivery, Inquirer News, lugaw, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.