LPA sa loob ng bansa, malabong maging bagyo – PAGASA

By Angellic Jordan March 31, 2021 - 06:51 PM

DOST PAGASA satellite image

May bagong binabantayang PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 135 kilometers Silangan ng General Santos City bandang 3:00 ng hapon.

Nabuo lamang aniya ang LPA dakong 8:00, Miyerkules ng umaga (March 31).

Malabo aniyang lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Ngunit, asahang magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong Mindanao at ilang bahagi ng Visayas, partikular sa Eastern at Central Visayas.

Samantala, nalusaw na ang isa pang LPA na tinututukan ng weather bureau bandang 2:00 ng hapon.

Umiiral pa rin ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa na magdadala ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa pamumuo ng thunderstorms.

Sa araw ng Huwebes, April 1, magiging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa buong Luzon maliban lamang sa mga panandaliang pag-ulan dahil sa thunderstorms.

TAGS: easterlies, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update March 31, easterlies, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update March 31

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.