Comelec umapela sa supporters ng mga kandidato na iwasan ang pambabastos

By Den Macaranas April 11, 2016 - 03:12 PM

Andres-Bautista-1012
Inquirer file photo

Nakiusap sa mga taga-suporta ng mga kandidato si Comelec Chairman Andres Bautista na iwasan ang “heckling” o pambabastos sa kalabang kandidato ng kanilang mga manok sa halalan.

Sinabi ni Bautista na magandang lugar ang mag debate para sa malayang talakayan at paliwanagan ng mga magagandang plano ng mga kandidato sa papalapit na araw ng eleksyon.

Reaksyon ito ng opisyal sa naging pambabastos kahapon kay Sen. Bongbong Marcos sa pagsisimula pa lamang ng Vice-Presidential debate sa UST.

Ipinaliwanag din ni Baustista na sa simula pa lamang ay nakiusap na sila sa mga supporters ng mga kandidatong kasali sa debate na iwasan ang pambabastos pati na rin ang pagdadala ng mga election propaganda sa venue.

Sinabi rin ni Bautista na tama lang ang kanilang ginawang pagpapalabas sa mga nambastos kay Marcos dahil hindi sila sumunod sa mga naunang inilatag na alituntunin.

Imbes na magsigawan, umapela ang pinuno ng Comelec sa mga taga-suporta na pag-aralang mabuti ang mga isyu na siyang magiging gabay sa pagpili ng matinong mga lider ng bansa.

Sa April 24 gaganapin ang ikatlong presidential debate sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan.

TAGS: comelec, debate, heckler, Marcos, UST, comelec, debate, heckler, Marcos, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.