Pilipinas, hindi pa sumusuko sa paglaban sa COVID-19

By Chona Yu March 31, 2021 - 04:28 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Hindi pa sumusuko ang Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.

Tugon ito ni Doctor Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID- 19 sa kritisismo na talo na ang Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.

Paliwanag ni Herbosa, hindi pa naman nagsasara ang pintuan ng mga ospital kung kaya may laban pa ang Pilipinas na maisalba ang buhay ng isang indibidwal.

“Well, sabi lang iyan, kasi wala pa naman akong nadinig na ospital na nagsara. Kasi masasabi pong talo na iyan kung nagsara na iyong ospital, di ba. So far wala pa akong nadidinig na ospital and all the doctors and nurses are doing heroic things, trying to take care of more patients that they can handle, to me iyan ang heroism na dapat nating ipagsabi, hindi iyong talo na. Kasi kapag sinabi nating talo na, parang nag-give up na tayo, di isara na na natin iyong mga ospital na iyan. So hindi naman nagsasara pa eh, so lumalaban pa sila, so hindi pa talo. Habang hindi nagsasara iyang mga ospital na iyan, may laban pa tayo at makaka-save pa rin tayo ng mga buhay,” pahayag ni Herbosa.

Una rito, sinabi ni Dr. Jaime Almora, presidente ng Philippine Hospital Association na talo na ang Pilipinas sa COVID-19 dahil puno na ang mga ospital.

Bagamat aminado si Herbosa na puno ang mga ospital sa Metro Manila, hindi masasabing nag-collapse na rin ang health system sa bansa.

“Hindi naman kasi gumagana pa ang mga ospital. When you say ‘collapsed’, ang tawag namin diyan sa disaster medicine ay iyong ‘functional collapse’ – hindi na magamot ang mga tao, namamatay na iyong hindi dapat mamatay. So as of now, ang nangyayari po ay we are at the period of what is called a surge capacity. So overcapacity iyong ating health system ‘no and ang nangyayari nakakapagpadala ako ng mga pasyente all the way to Clark sa Pampanga, sa South Luzon. Outside the bubble already para lang ma-confine sila, so nakaka-adjust pa naman,” pahayag ni Herbosa.

TAGS: COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Dr. Ted Herbosa, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Dr. Ted Herbosa, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.