DFA, nababahala sa ballistic missile launch ng North Korea

Nagparating ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa ballistic missile launch ng Democratic People’s Republic of Korea.

Naganap ang missile launch noong March 25.

“Such actions seriously undermine regional peace and stability not only in Korean Peninsula, but also in the entire region,” saad ng kagawaran.

Kasunod nito, umapela ang DFA sa DPRK na tumalima sa international obligations sa ilalim ng UN Security Council resolutions.

Dapat din anilang sumunod sa proseso ng constructive dialogue.

Read more...