PhilHealth, walang nakikitang problema kung magpapabakuna ang mga indibiduwal na walang PhilHealth ID number
Walang nakikitang problema ang PhilHealth sa mga indibiduwal na nagnanais na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 subalit walang Philhealth Identification Number.
Ayon kay PhilHealth President Dante Geirran, maari naman kasing maging substitute sa PhilHealth ID number ang ibang valid ID.
Tatanggapin din naman aniya ang PRC ID o Professional Regulation Commission, driver’s license, UMID o Universal Multipurpose ID o passport.
Maari ring gamitin ang sedula na galing sa mga barangay, birth certificate o barangay certificate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.