Nawawalang mangingisda sa Guimaras, nailigtas

By Angellic Jordan March 31, 2021 - 02:57 PM

PCG photo

Na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nawawalang mangingisda sa bahagi ng Barangay San Enrique sa San Lorenzo, Guimaras araw ng Martes.

Nakaranas ng aberya si Rudy June Patriarca, 32-anyos na mangingisda, habang humuhuli ng tahong karagatang sakop ng Barangay Sum-ag bandang 5:00, Lunes ng umaga (March 29).

Habang pauwi dakong 12:00 ng tanghali, nakaranas si Patriarca ng malakas na hangin at alon dahilan para mahulog siya sa bangka.

Nakalangoy naman ang mangingisda sa isang fish pen na may layong 1.6 nautical mile mula sa baybayin ng Barangay Mchavez.

Agad nag-deploy ang PCG Station Guimaras ng rescue team upang asistihan ang mangingisda.

Nasa maayos namang kondisyon si Patriarca.

TAGS: Inquirer News, PCG operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PCG operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.