Outbound passengers sa mga pantalan, higit 5,600

By Angellic Jordan March 31, 2021 - 01:39 PM

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 5,616 na outbound passengers sa mga pantalan habang 4,499 inbound passengers.

Ito ay mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Miyerkules (March 31).

Nasa 2,006 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 89 ang inspected vessels at 121 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

TAGS: Holy Week 2021, Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021, PCG, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, Semana Santa 2021, Holy Week 2021, Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021, PCG, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, Semana Santa 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.